2004-11-24
May bagong ulat sa paglitaw mga kasong meningococcemia sa Siyudad ng Baguio sa Pilipinas. Ang Sentro para sa Proteksiyong Pangkalusugan (CHP) ng Departamento ng Kalusugan (DH) ay mabuting nagsusuri sa sitwasyon at humihimok sa mga miyembro ng publiko na mag-obserba ng mabuting kalinisan upang maiwasan ang impeksiyong meningococcal.
Impormasyon sa Sakit
Ang impeksiyong meningocococcal at sanhi ng bakteryum na kilala sa pangalang meningococcus. Ito ay nahahawa sa direktang kontak, kasali na ang mga maliliit na patak galing sa ilong at lalamunan ng taong may impeksiyon. Ang panahon ng inkyubesiyon ay nag-iiba-iba mula 2 hanggang 10 araw, pero karaniwang 3 hanggang 4 na araw. Ang larawang klinikal ay maaari paiba-iba rin. Ang malubhang sakit ay maaaring magresulta kung ang bakteryum ay sasalakay sa daluyan ng dugo (na magiging dahilan ng meningococcaemia) o sa utak (na magiging dahilan ng meningitis). Ang meningococcaemia ay nakikilala sa biglaang pagsimula ng lagnat, matinding sakit sa ulo, purpura, pagkasindak at pati na ang kamatayan sa mga kasong malubha. Ang meningitis ay nakikilala sa biglaang pagsimula ng malubhang sakit sa ulo, lagnat, pagduduwal, pagsusuka, pagkatakot sa araw, at paninigas ng leeg. Ang mga maaagang kaso ay madaling magamot gamit ang mga antibayotik.
Mga Payong Pangkalusugan
1. Maghugas lagi ng kamay, mag-obserba ng mabuting kalinisang personal at pangkapaligiran.
2. Iwasan ang mga mataong lugar.
3. Iwasan ang malapitang kontak sa mga pasyenteng may lagnat o matinding sakit sa ulo.
4. Takpan ang ilong at bibig habang nagbabahin o inuubo, hawakan ang dura ng tisyu, itapon ito sa basurahan na may takip at hugasan kaagad ang iyong mga kamay.
5. Ang mga nagbibiyaheng kagagaling lang sa mga lugar na endemik ay kumunsulta kaagad sa mga doktor kung may masama silang nararamdaman sa kanilang katawan pagkatapos ng biyahe. Ipa-alam sa iyong doktor ang kasaysayan ng iyong pagbiyahe.
Tuwirang Linya ng Telepono
Para sa karagdagang impormasyon, pakitawag sa tuwirang linya ng telepono ng Departamento ng Kalusugan sa 2575 1221 sa mga oras ng opisina, o bumisita sa website ng Serbisyong Pangkalusugan ng mga Nagbibiyahe sa Hong Kong sa http://www.info.gov.hk/trhealth/e_HKTHS.htm.
Sentro para sa Proteksiyong Pangkalusugan,
Departamento ng Kalusugan
24 Nobyembre 2004